donutliit

bff glady irene..:)

Chic-Boy

hapi bday bff!

Happy Birthday to me! (03262012)

Happy Birthday to me! (03262012)

Retreat Letter To My Beloved Jaders (ipa print nyo na lang para magmukhang letter)

Way back in High School, all of us, graduating students have this “Retreat”. Same thing with recollection, retreat is a gathering for all the graduating students wherein they will look back on the things they experienced together throughout the years. It is a tradition on our school at that time to give retreat letters to friends, acquaintances, or anyone you consider special among your batch mates.

My Dear Jaders, even though we only had 5 months to bond with each other (year 2008), I want you all to know that somehow I felt I belong in your circle of friends. Kahit alam ko na malaki ang age gap natin at may boundary ang pagiging teacher ko at pagiging estudyante ninyo, even up to the present, it may be too overwhelming to admit… you all have a special place in my heart.

As I’ve said earlier, I graduated in a school where the giving of retreat letters have always been a tradition. So, I am extending that tradition to you, my dear Jaders:

Francis - Tandaan mo yung sinabi ko sa’yo nung GMRC Class. Magiging Presidente ka ng “Republika ng Pilipinas”.

Tope - Namimiss ko na mga mata mo. Pakabait ka ha.

Kirby - Tandaan mo din yung sinabi ko nung GMRC Class. Magiging model ka ng “Slenda”.

Mervin - Pag nagkita talaga tayo ulit. Promise lilibrehin na kita… Eat All You Can.

Migz - Mr. Pure Energy. Study hard ha. High School ka na. Pagtibayin mo pa ang pagiging energetic mo.

Jan - Thank you sa sinabi mo sa’kin nung nagtatanim tayo ng pechay…”Teacher, ikaw ang paborito ng lahat dito.” Hindi ko alam kung totoo yan pero hindi ko yan nakakalimutan.

Jedd - Ang gwapo! Super bait pa!

Axel - Kahit lumalim na boses mo… sweet ka pa rin. At love na love ka ni Teacher April. Wag mong kakalimutan yan.

Ron - Hay! Anak, gusto kong ipaalam sa’yo, I regret those days na umaabsent ako nung Grade 3 kayo kasi ikaw yung isa sa mga reason kung bakit ginaganahan akong pumasok sa school. Dahil ang isang nakakastress na araw sa BUCEILS ay isa ring araw na magkakasama tayong dalawa. Naaalala mo nun, pag either isa sa atin ang absent, diretso yakap ka at sasabihin mong, “Teacher, namiss kita.” Thank you so much.

Kurt - Nagpapamiss ka naman eh! Pakabait ka din ha..

Errol - Alam ko ang layo pa ng mararating mo. Keep it up! I’m so proud of you!

Jules - Ang crush ng bayan. We miss you!

Jemarie - Andito pa rin sa’kin yung picture mo. Stay sweet!

Kyla - Maganda ka. Hinay hinay lang sa boys…marami pang darating dyan.

Eunice - My Little Pastor. Eto message ko sa’yo as you graduate…Remember Jeremiah 29:11..Hanapin mo na lang.

Nadia - Always tahimik ang mahiyain. Pero may talent ‘to.

Jo-ava - Smile ka lagi ha. Thanks for calling me a Teddy Bear. Balang araw i eexplain ko din sa’yo ibig sabihin niyan..

Shaira - Kumusta na? pajoin naman ako sa seryosohang usapan nyo ni Ron. Hapi Grad!

Ella - As always gumaganda ng gumaganda…

Darlene - Ikaw lagi nagsasabi sa’kin ng cute. Thanks! Pero mas cute ka… sa susunod na magabihan ka sa pag- uwi, jam tayo ulit.

Ingrid - Wer u na? Miss na miss na din kita. Stay pretty!

Kim - The smile that can launch a thousand ships. Sweet and simple.

Nylle - Thank you sa mga updates kapag nagkikta tayo. Ang sarap mong kausap.

Janine - Ito talaga ang may pinakamapulang mata na nakita ko nung paalis na kaming mga ST. Tahimik lang pero matalino.

Allyza Joyce - Sorry kung hindi ako nakasama sa mga ST nung pumunta sila sa house nyo nung fiesta. Walang magbabantay noon sa mga kapatid mo eh. Babawi din ako sa’yo.

Nica - My Beauty Queen. Sorry na kung binuking kita nung nag jelly ka. Pero ang nasa isip ko kasi noon, isang pamilya tayo sa classroom kaya feeling ko, open tayo sa isa’t - isa. Sorry na. Hindi na mauulit.

Kaye - Lagi naman kita katext. Basta ang advice ko sa’yo, relax lang pag high school. It’s a big world out there but if you face it with full confidence and faith, you’ll find that your big world is just too light to handle.

Alyssa Mai – Isa pa sa mga dabarkads ko sa table 4. Matalinong co-host sa talk show ni Ron at Shaira.

Gwyn – Isa sa mga pinaka talented kong mga anak. Pagbutihan mo pa pag-aaral mo at malayo mararating mo. Beauty and Brains.

Yvonne – The sweetest of the bunch. Ikaw ang nagpapa-alive ng samahan ng “Friends 4ever”. Mas love kita. <3

Gene – Oh, miss you so much!. Asan ka na ba? Lagi kitang hinahanap pag nasa BUCEILS ako. Thanks for keeping me company pag lunch time at sa mga nakakaantok na mga araw sa school.

Angelu – A girl turning into a beautiful lady. Aral muna ha. Isantabi muna lovelife.

So here my kids is my retreat letter. Sa mga nagtataka, alphabetical po yan.

Alam ko kapag iniisip nyo ang graduation, iyakan agad ang nasa isip nyo kasi magkakahiwahiwalay na kayo. Tapos na yung mga memories na ginawa nyo nung elementary. Oo, malungkot pero kailangan. Hindi naman ito ang katapusan ng lahat eh. Later on, makikita ninyo na may mga bago na rin kayong mga friends at maging ang mga best friends nyo ay may mga bago na ring mga friends. Ganun talaga pero hindi yun reason para maging malungkot kayo kasi kailangan nyong i-share ang pagmamahal ng friends nyo sa iba na nangangailangan din ng friend.

I made this letter hindi para paiyakin kayo. Alam ko kasi na ang Graduation ay isang mahalagang bagay na pinagdadaanan nyo sa ngayon at malaking bagay na kahit papaano ay maging part ako nito. Galing na rin ako diyan.

I posted this on the internet so that someday, you can look back and tell yourself, “Masaya at masuwerte ako araw-araw noong elementary dahil kaklase ko ang mga asungot na ‘to.”

As you go on through high school, you’ll ger the chance to meet new friends and explore new things. Wag kayo matakot because it’s still needed for you to learn. Minsan madadapa kayo but it doesn’t mean you have to stop. You have to continue. Diyan masusukat ang katatagan ninyo bilang isang “Jader”.

Sana sa pagtanda natin, meron man na magbago ang itsura pero sana wag makalimot. Happy ako na naging estudyante/anak ko kayo. Marami pa akong makikilalang mga bata in the future pero kayo… kayo yung unang batch na naramdaman ko na “I am loved”. (Cheesy!) Remember nung paalis na kami na mga ST…halos lahat kayo, ayaw nyo akong paalisin. Kaya kahit ano pang mangyari…hindi ko talaga kayo makakalimutan. Promise!

So pano? Happy Graduation na lang sa inyong lahat, ha. Thank you and God bless you always. I love you my Jaders, always and forever.

Teacher Baby/Mommy Dawn 

grade 3 jade

Dawny Eats World

Dawny Eats World